Force Multipliers, KKDAT nakiisa sa Symposium sa Samar
Nakiisa ang mga Force Multipliers at miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa Symposium sa Barangay Cabugawan, Catbalogan City, Samar nito lamang ika-28 ng Hulyo 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga opisyales ng Barangay Cabugawan sa pamumuno ni Punong Barangay Michel C. Agura, kasama ang mga Kabataan, Religious Leaders ng mga Barangay, Tanod, Health Workers, miyembro ng 4Ps, Senior Citizens, at ilang mga residente ng nasabing lugar.
Tinalakay sa symposium ang pagpapatupad ng DILG Memorandum Circular 2026-026 o ang Buhay Ingatan, Droga Ayawan (BIDA) Program, at ang papel ng komunidad sa pag-iwas sa droga na may lalyunin na bigyan ng kamalayan ang komunidad, lalo na ang mga kabataan.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy na gagabay sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan upang makamtam ang minimithi na maayos, tahimik at ligtas na pamayanan.