Stakeholders, nanguna sa MOA Signing at Serbisyo Caravan sa Pila, Laguna


Pinangunahan ng mga Stakeholders ang Ceremonial Signing of Memorandum of Understanding at Declaration of Stable Internal Peace and Security (SIPS) na ginanap sa Pila Gymnasium, Barangay Bulilan Norte, Pila, Laguna nito lamang ika-30 ng Hulyo 2024.

Ang aktibidad ay sa inisyatiba ng Philippine Army sa pamumuno ni BGen Cerilo C Balaoro, Jr, 202 BDE Commanding Officer, na kinakatawan ni Col. Ronald Jess S Alcudia, INF (MNSA) PA, katuwang ang BFP, DILG 4A, DOLE 4A, TESDA, LGU Pila, Philippine Red Cross, NGAs, NGOs at Pila Municipal Police Station ng Laguna PPO.

Tampok din sa aktibidad ang Serbisyo Caravan na hatid sa 150 na kalahok na kinabibilangan ng SK Federation, ABC President, Konsehal ng Bayan, 17 Barangay Captain, Criminology at Grade 12 students ng Pila. Naging parte ng caravan ang Blood Donation, libreng gupit, at recruitment ng mga ahensya ng gobyerno.

Patuloy ang mga stakeholders sa pagbibigay serbisyo katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na naglalayong bigyang pansin ang komunidad lalo sa larangan ng pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa ating pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *