Force Multpliers, nakilahok sa Clean-up Drive sa Pasig City

Aktibong nakilahok sa isinagawang Clean-up Drive ang mga Force Multipliers sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City nito lamang Linggo, Agosto 4, 2024.

Ang paglilinis ay pinangunahan ng Anti-Crime Community Action Force (ACCAF ASG) katuwang ang mga Barangay Street Sweepers at ang tauhan ng Pasig City Police Station.

Layunin ng gawaing ito na ipakita sa publiko ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinis na kapaligiran upang maiwasan ang mga sakit at sakuna na dulot ng maruming kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *