Community Awareness and Security Symposium, isinagawa sa Sariaya Quezon
Nakiisa ang mga estudyante sa isinagawang Community Awareness and Security Symposium kaugnay ng PNP OPLAN BES (Bisita Eskwela “I am Strong”), Crime Prevention Week at KKDAT Advocacy Program sa Bignay National High School, Barangay Bignay 2, Sariaya, Quezon nito lamang Biyernes, ika-6 ng Septyembre 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PCpl Rechell V Lorzano, FJGAD PCAD sa pamumuno ni PLtCol Carlo C Caceres, Officer-in-Charge of Police ng Sariaya Municipal Police Station kasama ang mga estudyante ng nasabing paaralan. Tinalakay sa mga estudyante ang patungkol sa Online Sexual Abuse, Buhay ay Ingatan Droga ay Ayawan (BIDA) at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), RA 9165/Drug Awareness.
Hinihikayat din ang mga estudyante na magdownload ng Power Services App. Layunin nitong ipabatid sa mga estudyante ang batas, mga dapat at di dapat gawin upang makaiwas sa krimen at hinihikayat din na laging mag-ingat at ugaliing maging mapagmatyag sa mga kahina-hinalang tao sa paligid upang makaiwas sa ano mang karahasan tungo sa maayos at ligtas na pamayanan.