BPATs Skills Enhancement Training at Seminar, isinagawa sa Masbate

Aktibong dinaluhan ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team at opisyales ng Barangay Rizal ang isinagawang Skills Enhancement Training na pinangunahan ng Batuan MPS katuwang ang Masbate 1st PMFC at Philippine Army nito lamang ika-6 ng September 2024.


Tinalakay ng mga tagapagsanay sa nasabing aktibidad ang tamang pamamaraan ng pag-aresto, handcuffing at pagtugon sa anumang sakuna at kaganapan sa kanilang nasasakupan.
Bukos dito tinalakay ang Anti-Rape Law of 1997, RA 9262, RA 11313, Community Anti-Terrorism Awareness, E-CLIP, Crime Prevention Advocacy Program, Drug Awareness, Campaign on PNP Recruitment 2024 at iba pang kahalintulad na batas.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong makatulong at magbigay ng kasanayan sa mga miyembro ng Force Multipliers ng Barangay upang magkaroon ng karagdagang kaalaman na kapaki-pakinabang sa kanilang tungkulin.