Barangay Advocacy Groups, nakiisa sa Tree Planting at Gardening Activity sa Bacolod City
Nakiisa sa isinagawang Tree Planting at Gardening Activity ang Barangay Health Workers (BHW), Barangay Council, mga lokal na residente, SK Officials at Brgy. Advocacy Support Groups na ginanap sa Hapag Garden, GK Village, Barangay Banago, Bacolod City, Negros Occidental nito lamang ika-7 ng Setyembre 2024.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng Bacolod Maritime Police Station, katuwang ang R-PSB Team Banago, Provincial Mobile Force Company (PMFC).
Ang hakbang na ito ay may layunin na isulong ang kalinisan at pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno at mga gulay, na makatutulong sa pagbibigay ng luntiang espasyo sa komunidad.
Nais din nitong palakasin ang ugnayan sa pagitan ng mga pulis, lokal na opisyal, mamamayan, at mga bolkuntaryong sektor sa lipunan upang magtulungan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.