BPATs 3-Day Enhancement Seminar, isinagawa sa Maguindanao del Norte

Matagumpay na naisagawa ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) 3-Day Enhancement Seminar sa Mangga St. Poblacion 1, Gymnasium, Parang Maguindanao del Norte noong ika-9- 11 ng Setyembre 2024.

Dumalo rin sa naturang aktibidad si Hon. Cahar P. Ibay, Mayor ng Parang, Parang Local Government unit katuwang ang mga tauhan ng BFP at mga perosanahe ng Regional Police Community Affairs and Development Group na pinamunuan ni Police Colonel Jaime N Barredo Jr., Chief, RPCADU BAR na nagsilbi ring tagapagturo.

Naging talakayan sa naturang aktibidad ang Unarmed Hand to Hand Combat at Disaster Relief and Rescue Operation at nagkaroon din ng practical exercises sa ikatlong araw tulad ng 7 strike of arnis at rescue operation.

Layunin ng aktibidad na ito ang patuloy na paghahatid ng kaalaman, pagsuporta sa pagsulong ng kapayapaan, labanan ang mga karahasan, at mga inisyatibo sa pagpapanatili at pagkamit ng ligtas at maunlad na barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *