City Government ng Kidapawan, nakiisa sa Community Outreach Program

Nakiisa ang mga miyembro ng Local Government Unit ng Kidapawan City sa isinagawang Community Outreach Program na ginanap sa Barangay Sibawan, Kidapawan City, Cotabato noong ika-9 ng Setyembre 2024.

Ang makabuluhang aktibidad ay inisyatibo ng City Government ng Kidapawan sa pamumuno ni Hon. Mayor Atty. Jose Paolo M Evangelista katuwang Kidapawan City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Dominador L Palgan Jr., Chief of Police, kasama ang mga opisyales ng barangay. Ang kanilang pagsisikap ay nagpakita ng tunay na diwa ng bayanihan at pagtutulungan sa Barangay. Sa ilalim ng programang “Bagong Pilipinas,” layunin ng ganitong aktibidad na ipakita ang mas pinabuting serbisyo ng pamahalaan sa kanilang mga nasasakupan.

Ang pag-aabot ng tulong at regalo ay isang hakbang upang maipadama ang malasakit at pagkalinga ng gobyerno sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *