Company Advisory Group , makiisa sa Tree Planting Activity sa Cabarroguis, Quirino.

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Company Advisory Group Quirino sa Tree Planting Activity bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-53rd na araw ng Quirino PINAGDADAPUN 2024 nooong ka-9 ng Setyembre 2024 sa Tree for Legacy Park, Capitol Hills Cabarroguis, Quirino.

Katuwang sa aktibidad ang nga kapulisan  ng Quirino Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Augusto P Bayubay Provincial Director, QPPO at iba pang tauhan ng ahensya ng gobyerno.

Nagtulong-tulong ang grupo sa pagtatanim at hinikayat ang mga residente ng barangay na pangalagaan ang kapaligiran upang maiwasan ang mga sakunang dulot ng nasisirang kalikasan.

Ito ay naglalayong mapanatili at itaguyod ang katatagan ng malinis at maaliwalas na pamayanan. Gayundin, upang mapabuti ang kalidad ng mga likas na yaman at itaas ang kamalayan sa komunidad sa kahalagahan ng mga puno sa ating kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *