BPATs Training, isinagawa sa Butuan City

Isinasagawa ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) Training na pinangunahan ni Police Corporal Alden Rey R Lacson, CAD PNCO ng Butuan City Police Station 3, sa ilalim ng superbisyon ni Poloce Captain Jay N Bayeta, Officer-In-Charge,na ginanap sa Barangay Hall, Barangay Masao, Butuan City noong Setyembre 17, 2024.

Dinaluhan ng mga miyembro ng BPATs ang pagsasanay, na binigyang kaalaman at kakayahan sa mga tamang pamamaraan ng peacekeeping at pagresponde sa iba’t ibang uri ng insidente.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, umaasa ang mga opisyal na higit pang mapalakas ang kooperasyon ng mga residente sa pagpapanatili ng kapayapaan sa kanilang lugar.

Patuloy ang mga kapulisan at BPATS sa kanilang pagsusumikap na magbigay ng kaukulang pagsasanay upang masigurong ligtas at mapayapa ang bawat komunidad sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *