Coastal Clean-up Driv, isinagawa sa Tubod, Lanao del Norte
Isinagawa ang Coastal Clean-up Drive sa Purok 5A, Poblacion,Tubod, Lanao del Norte nito lamang ika-20 ng Setyembre 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Executive Master Sergeant Jeanne Escol sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Fedenick S Romero, Officer-In-Charge ng Tubod Municipal Police Station.
Ito ay nilahukan ng Provincial Environment and Natural Resources ng Lanao del Norte, na may kaugnayan sa selebrasyon na Integrated Coastal Cleap Up na may temang “Clean Seas for Blue Economy”.
Sa kabuuan nasa mahigit kumulang 15 na sako ng iba’t ibang klase ng basura ang nakuha ng mga naturang grupo.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong palakasin ang pagkakaisa at kooperasyon ng komunidad sa pangagalaga at pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran.