Force Multiplier, nakilahok sa Symposium Activity sa Bohol
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Force Multiplier sa Symposium Activity na ginanap sa Brgy. Cadapdapan, Candijay, Bohol noong Setyembre 18, 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Candijay Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Albert R Sator. Pinagtuunan ng pansin ang mga mapaminsalang epekto ng ilegal na droga, mga legal na implikasyon nito, at ang programang KKDAT (Kabataan Kontra Droga at Terorismo).
Kasama rin sa mga tinalakay ang batas laban sa Panggagahasa (Anti-Rape Law), batas laban sa Karahasan sa Kababaihan at kanilang mga Anak (Anti-VAWC), at ang inisyatibang MOVE (Men Opposed to Violence Everywhere).
Ang mga paksang ito ay mahalaga sa pagtataguyod ng mas ligtas na komunidad. Ipinapakita ng symposium na ito ang pangako ng Candijay Police na maglingkod para sa isang “Bagong Pilipinas,” kung saan ang bawat mamamayan ay may kamalayan sa kanilang mga karapatan at tungkulin.