Force Multipliers, nikilahok sa Pulong-pulong sa Barangay
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Force Multiplier sa isinagawang pulong-pulong sa Barangay Yabyaban, Laoang, Northern Samar noong Setyembre 17, 2024.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Lieutenant Edwin M Oloan Jr., Force Commander kasama ang mga Barangay Official, Barangay Tanod at mga residente ng nasabing lugar.
Ang mga paksang tinalakay ay patungkol sa BIDA PROGRAM ng PNP (Buhay Ingatan Droga’y Ayawan), RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Anti-criminality Campaign. Ang aktibidad ay isang paraan upang labanan ang kriminalidad at pagpapataas ng kamalayan ng mga mamamayan sa iba’t ibang modus operandi ng mga kriminal.
Ang proseso ng pamamahagi ay nagsisilbi ring daan para mas makilala ang pulisya at tulay ng pagkakaibigan sa pagitan ng mga pulis at mamamayan.