Information Drive, isinagawa sa mga mag-aaral sa Lungsod ng Bogo
Nagsagawa ang mga kapulisan mula sa 701st Maneuver Company, RMFB 7, sa pangunguna ni Police Lieutenant Gabriel P Mota ng Information Drive sa mga mag-aaral ng Eduardo T. Oporto Memorial National High School sa Brgy Banban, Lungsod ng Bogo, Cebu noong Setyembre 19, 2024.
Ang information drive ay nakatuon sa Anti-Drug Awareness at Anti-Terrorism Awareness, na dinaluhan ng mga estudyante ng Grade 12.
Sa ganitong mga talakayan, binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang kaalaman at pag-iwas sa masasamang bisyo tulad ng droga, pati na rin ang mga hakbang upang maprotektahan ang sarili laban sa banta ng terorismo.
Sa Bagong Pilipinas, ang hangarin ng ating gobyerno ay hindi lamang magsilbi at magprotekta, kundi gabayan din ang mga kabataan tungo sa tamang landas.
Ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng PNP sa mga paaralan ay patunay ng kanilang dedikasyon sa pagtataguyod ng kaligtasan at kaayusan para sa kinabukasan ng ating bayan.