Relief and Rescue Operations, ikinasa dahil sa labis na pagbaha sa bayan ng Roxas Palawan

Ikinasa ang relief and rescue operations ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Roxas dahil sa labis na pagbaha sa lugar bunsod ng pinalakas na hanging habagat na dulot ng mga bagyong “Ferdie” at “Gener” sa Sitio Itawa, Brgy. San Jose ng naturang bayan nito lamang ika-17 ng Setyembre 2024.

Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Roxas katuwang ang mga kapulisan ng 2nd Palawan PMFC at iba pang mga ahensiya ng gobyerno.

Tinataya namang nasa walumpung (80) pamilya sa nasabing sitio ang apektado ng naturang kalamidad.

Dahil narin sa aktibong partisipasyon ng bawat ahensiya, nabahagian ang mga residente sa nasabing lugar ng mga foodpacks at 7L bottled water na lubos naman nilang pinasasalamatan.

Sa pagkakaisa ng lokal na pamahalaan, at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay kaligtasan ng bawat mamamayan ang naisalba sa naturang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *