Revitalized KASIMBAYANAN at BPATs Training, isinagawa sa Barangay San Isidro, Tabaco City
Sa ilalim ng pamumuno ni Punong Barangay Eduardo Bronia, matagumpay na isinagawa ang Training at Seminar para sa mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at Barangay Officials ng San Isidro, Tabaco City noong ika-19 ng Setyembre 2024. Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga Barangay Public Safety Officers, mga miyembro ng Barangay Council, at iba pang tauhan ng barangay.
Kasama ng mga kapulisan, si Pastor Billy Bisda, Faith Based/Community Adviser, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at kasanayan na may kaugnayan sa Serbisyong Pampubliko at Kaligtasan.
Layunin nito na bigyang-diin ang kahalagahan ng pagkilala at pagsasanay sa mga BPSO para sa mas epektibong pagpapatupad ng batas at mga pangunahing aplikasyon nito.
Bukod dito, nakatuon din ang aktibidad sa pagpapalakas ng pakikipagtulungan sa komunidad, na mahalaga sa pagbuo ng mas ligtas at mas maunlad na barangay.
Ang pagsasanay ay nagsilbing plataporma upang itaguyod ang mga prinsipyo ng pakikipagtulungan, kung saan ang bawat miyembro ng barangay ay hinikayat na maging aktibong kalahok sa mga inisyatibong pangkaligtasan at kaayusan.
Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, nais nito na mapabuti ang seguridad at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.