Youth Mobile Force ng Bineng, nakilahok sa Medical and Dental Mission
Nakilahok ang Youth Mobile Force ng Bineng sa Libreng Medical at Dental Mission na ginanap sa Bineng Barangay Hall, La Trinidad, Benguet noong ika-19 ng Setyembre, 2024.
Ang aktibidad ay inorganisa ng Aboitiz Foundation kasama ang Bineng Youth Mobile Force at LGU ng Barangay Bineng na naglalayong magbigay ng pangunahing pangangalagang pangkalusugan sa mga kabataan at kanilang mga pamilya.
Mahigit-kumulang 200 residente ang nakinabang sa libreng check-up, konsultasyon, paglilinis ng ngipin, at pagbunot ng ngipin. Nagkaloob din ang mga organizers ng mga pangunahing gamot at bitamina.
“Malaki ang pasasalamat namin sa lahat ng mga tumulong upang maisagawa ang programang ito,” sabi ni Ivy Xien Lamsis, isang lider ng Youth Mobile Force. “Sana ay maging inspirasyon ito sa iba pang mga kabataan na magbigay ng serbisyo sa kanilang kapwa.”
Ang medical mission ay bahagi ng mas malawak na programa ng pamahalaan at pribadong sektor upang matugunan ang mga pangangailangan sa kalusugan ng mga komunidad sa Benguet.
Inaasahan din na ang aktibidad ay makakatulong upang mailayo ang mga kabataan sa mga masamang impluwensya at hikayatin silang maging aktibong kasali sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad.