Balay Silangan Reformation Center, pinasinayaan sa Zamboanga Sibugay

Matagumpay na isinagawa ang pasinaya ng Balay Silangan Reformation Center sa bayan ng Titay noong Huwebes ika-19 ng Setyembre 2024. Ang aktibidad ay pinangunahan ni Mayor Leonardo Talania katuwang ang Titay Municipal Police Station na pinamunuan ni Police Major Neil Cliffton Pugoy, Chief of Police.

Dumalo sa seremonya ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno kabilang ang PDEA, at DILG. Pinangunahan ng mga opisyal ang pagpirma ng Memorandum of Agreement at Manifesto of Commitment, bilang simbolo ng dedikasyon sa pagtataguyod ng isang komunidad na malaya sa droga. 18 enrollees na Persons Who Use Drugs (PWUDs) ang nag-commit na sumailalim sa mga rehabilitasyon program ng Balay Silangan, na may layuning baguhin ang mga buhay at tulungan muling makapag-integrate sa lipunan.

Nagpahayag si Mayor Talania ng pasasalamat sa suporta ng mga ahensya at pinagtibay ang pangako na patuloy na itaguyod ang pagkakaisa ng pulisya at komunidad tungo sa pagkamit ng isang drug-free.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *