BPATs ng Barangay Brookside, sumailalim sa pagsasanay

Aktibong lumahok ang Barangay Peacekeeping Action Team ng Barangay Brookside sa isang pagsasanay na isinagawa ng mga tauhan ng 2nd Abra Provincial Mobile Force Company sa Barangay Brookside, Pilar, Abra nito lamang ika-19 ng Setyembre 2024.

Pinangunahan ng mga tauhan ng 2nd Abra Provincial Mobile Force Company ang aktibidad katuwang ang mga tauhan ng Pilar Municipal Police Station.

Tampok sa aktibidad ang pamamahagi ng kanilang kaalaman at kasanayan sa arnis, mga teknik sa pagtatanggol sa sarili, at pagsasanay sa pagiging mga unang tagatugon sa oras ng emergency.

Layunin ng aktibidad na bigyan ng sapat na kaalaman at kumpiyansa ang BPATs upang epektibong tumugon sa mga emergency at agarang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *