KKDAT, nakilahok sa Proyektong KAP-KAP ng PNP sa Surallah, South Cotabato

Sa patuloy na adbokasiya ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP) na masigurado ang kaligtasan at kapakanan ng mga kabataan, inilunsad ang Project KAP-KAP (Kuya, Ateng Pulis, Kaagapay ko sa Aking Pag-aaral) sa Barangay Libertad, Surallah, South Cotabato nito lang biyernes Setyembre 20, 2024.

Pinangunahan ito ni PEMS Jerico T Magbanua, Investigator PNCO ng Suralla Muncipal Police Station. Sa ilalim ng proyektong ito, nagbahagi ang mga kapulisan ng mga Information, Education, and Communication (IEC) materials na naglalayong magbigay-kaalaman ukol sa seguridad at kaligtasan ng bawat kabataan. Kasabay ng pamamahagi ng mga materyales, nagsagawa rin ng diyalogo ang PNP upang bigyan ng tamang gabay ang mga kabataan ukol sa mga isyung pang-seguridad.

Kabilang sa mga pangunahing paksang tinalakay ay ang Crime Prevention Safety Tips, Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA), mga batas na may kaugnayan sa Gender and Development (GAD), at ang mga hakbang ng recruitment ng kabataan sa ilalim ng CPP-NPA-NDF.

Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng PNP na masiguro ang kapayapaan at seguridad sa mga komunidad, at upang mapalawak ang kamalayan ng kabataan laban sa mga banta ng kriminalidad at iba pang mapanganib na gawain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *