Studyante ng Lunib Integrated School nakiisa sa Crime Prevention Symposium
Nagsagawa ng isang symposium tungkol sa anti-illegal drugs at crime prevention sa Lunib Integrated School Brgy Lunib, Sagun, Zamboanga del Sur noong Biyernes, ika- 20 ng Setyembre, 2024.
Ang aktibidad na ito ay inisyatibo ng Sagun Municipal Police Station na pinamunuan ni Police Captain Edwin A Solis, Acting Chief of Police, katuwang ang mga Barangay opisyales at guro.
Ang pagtitipon ay nakatuon sa mahalagang papel ng pakikilahok ng komunidad sa kampanya laban sa ilegal na droga, na binigyang-diin ang pagpapatupad ng OPLAN PASPAS at mga probisyon ng Anti-Bastos Law. Namahagi rin ng mga materyales para sa Information, Education and Communication (IEC) upang higit pang itaas ang kamalayan hinggil sa mga mahahalagang inisyatibo ng PNP.
Hinihimok ng inisyatibang ito ang mga kabataan na maging parte sa paglaban sa kriminalidad.
Ang kanilang partisipasyon ay kinakailangan upang patuloy na mapanatili ang kaayusan sa komunidad.