Pagpapaigting ng Kamalayan at Kaligtasan sa Kabataan, idinaos

Idinaos ang Symposium at Anti-Terrorism Advocacy sa mga estudyante ng Baluno National High School, Barangay Baluno, Dimataling, Zamboanga Del Norte noong Miyerkules ika-25 ng Setyembre, 2024.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Dimataling Municipal Police Station sa pangangasiwa ni Police Major Mario A. Regidor, Officer-In-Charge ng Dimataling MPS, kasama si Hon. Elisio N. Abrea, Barangay Chairman ng Baluno at mga tauhan mula sa Municipal Health Office.

Layunin ng mga programang ito na magbigay ng kaalaman at gabay sa mga mag-aaral ukol sa mga banta ng terorismo at iligal na droga, pati na rin ang pag-iwas sa mga negatibong impluwensiya sa kanilang kalusugan at kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *