Advocacy Support Group, nakiisa sa Coastal Clean-up Drive Activity sa Tacloban City

Nagkaisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group at kapulisan sa isinagawang Coastal Clean-up Drive Activity sa Brgy. 97, Cabalawan, Tacloban City nito lamang Linggo ika-29 ng Setyembre 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Joint Task Group (PA), Tacloban City, KKDAT, Youth Innovators ng Tacloban City sa ilalim ng Youth Cares 2.0 Project in partnership with Australian Aid at mga tauhan ng 805th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8.

Ang naturang aktibidad ay isinagawa upang itaguyod ang youth empowerment, makamit ang isang resilient at ecofriendly na kapaligiran sa pamamagitan ng mga aksyon sa klima kabilang ang pangangalaga sa buhay ng aquamarine at proteksyon sa baybayin.

Hinihikayat ng grupo ang lahat na makiisa at suportahan ang mga programang nagsusulong upang pangalagaan ang ating kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *