Advocacy Support Group, nakiisa sa Medical at Dental Mission sa Negros Occidental

Nakiisa ang Advocacy Support Group na Victorias Milling Company Inc. (VMC) sa isinagawang Medical and Dental Mission sa mga residente ng Brgy. Purisima, Manapla, Negros Occidental, nito lamang ika-28 ng Setyembre 2024.

Ito ay inisyatiba ng 3rd Maneuver Platoon ng 605th Maneuver Company, RMFB6 upang handugan ng libreng serbisyo ang mga benepisyaryong nasa humigit-kumulang 120 na residente ng nasabing lugar. Bukod sa mga serbisyong medikal at dental, nagbigay din ng libreng konsultasyon, mga gamut, At libreng grupit. Ito ay nagbigay ng malaking tulong sa mga benepisyaryo, hindi lamang sa aspetong pisikal, kundi pati na rin sa kanilang pangkalahatang kagalingan.

Sa pagtutulungan ng grupo, mas napapalawak ng bawat isa ang kanilang serbisyo para sa mga nangangailangan, partikular na sa mga lugar na may limitadong akses sa mga serbisyong pangkalusugan at itaguyod ang kalusugan at kabutihan ng bawat mamamayan sa kanilang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *