Barangay Tanod, nakilahok sa Community Outreach Program

Aktibong nakilahok sa Community Outreach Program sa Barangay Tamion, Dapitan City nito lamang Linggo ika-29 ng Setyembre, 2024.

Ang aktibidad na ito ay ininsyatibo ng LGU ng Dapitan City, sa tulong ng personnel ng Dapitan City Police Station na pinagunahan ni PCMS Marwin L. Cimafranca, CCAD PNCO, sa ilalim ng superbisyon ni Police Lieutenant Colonel Philmore D. Dumagat, Chief of Police, ang pamamahagi ng mga arnis sticks sa sampung 10 Barangay Tanod ng nasabing barangay. Kasama sa aktibidad ang pagbibigay ng mga lektura ukol sa mga pangunahing tungkulin at responsibilidad ng mga Barangay Tanod, pati na rin ang talakayan tungkol sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang nasabing programa ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga Barangay Tanod sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa kanilang barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *