Catanduanes Officer’s Ladies Club, nagsagawa ng Outreach Activity San Andres, Catanduanes-

Nagsagawa ng Outreach Activity ang Catanduanes Officer’s Ladies Club sa pangunguna ni Mrs. Salve Tabo nito lamang Ika-29 ng Setyembre 2024 na ginanap sa Brgy. Plaza ng Brgy. Asgad, San Andres, Catanduanes.

Nagkaroon ng supplemental feeding, gift giving at pamamahagi ng mga “used clothing” para sa mga nanay, kabataan at mga kababaihan na dumalo sa pagtitipon. Naging bahagi din ng nasabing aktibidad ang pagbibigay ng diyalogo ng mga kapulisan mula sa San Andres Municipal Police Station at hinikayat ang bawat isa na magbigay ng agarang impormasyon sa anumang iligal na aktibidad lalo na ang transakyon ng iligal na droga at presensiya ng mga miyembro ng teroristang grupo na CPP-NPA-NDF upang masigurong ligtas sila sa masamang dulot at impluwensiya ng mga ito.

Layunin ng aktibidad na ipadama sa ating mga kababayan ang pagmamahal at pagkalinga sa bawat isa, at ipakita na ang pagtutulungan ay susi sa pagkamit sa isang maayos at maunlad na bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *