Search for Outstanding Barangay Tanod, isinagawa sa Rehiyon Dos
Muling ipinamalas ng mga Barangay Tanod ng Barangay Cataggaman Nuevo, Tuguegarao City ang kanilang kakayahan bilang isang tagataguyod ng batas sa kanilang barangay sa isinagawang Annual Search for Outstanding Barangay Tanod (Team Community Service) at Chief Tanod (Individual Community Service) na ginanap sa Multipurpose Hall ng naturang barangay nitong ika- 1 ng Oktubre 2024.



Kabilang sa mga assessment and evaluation teams ay nagmula sa iba’t ibang hanay ng gobyerno. Pinamunuan ni PMaj Rowel Arzadon, Regional Community Affairs and Development Division ng PR02 katuwang ang mga mga tauhan ng Regional Community Affairs and Development Unit 2 ang pagsusuri sa ipinamalas na kakayahan ng mga barangay tanod sa tamang pag-aresto, gayundin ang pagkakaroon ng inspection sa mga kagamitang meron ang mga naturang kalahok.
Kasama rin sa mga evaluators team sina Jail Superintendent Juliet Miranda ng BJMP, Mr. Joseph Tamacay ng NAPOLCOM at Fire 0ffcier 3 Alice Calagui na isa rin sa mga sumuri ng mga kakayahan ng barangay tanod.
Layunin ng pagsusuri na hindi lamang pahusayin ang kakayahan ng mga tanod, kundi pati na rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa komunidad. Sa kanilang mga tungkulin, sila ang katuwang ng mga lokal na awtoridad sa pagtiyak ng kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan.
Ang mga barangay tanod ay mahalagang haligi ng bawat komunidad, nagbibigay sila ng seguridad at kaayusan na nagtataguyod ng kapayapaan at katiwasayan.
Sa kanilang dedikasyon at pagsisikap, nagiging mas ligtas ang mga barangay, na nag-uudyok sa mga mamamayan na makilahok at makipagtulungan para sa mas magandang kinabukasan.
Ang kanilang papel ay hindi lamang sa pagpapanatili ng batas kundi pati na rin sa pagbuo ng tiwala at pagkakaisa sa pagitan ng mga tao at ng lokal na pamahalaan.