BPATs, nakiisa sa Coastal Clean-Up Activity

0
461826272_1597375017519851_2127564546770082501_n

Masugid na nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa isinagawang Coastal Clean-Up Activity sa Brgy. Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat nito lamang Oktubre 2, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga kawani ng Lebak LGU na nilahukan ng nasabing grupo kasama ang mga kawani ng Lebak Municipal Police Station.

Nagsilbing pagkakataon ang nasabing aktibidad upang magtipon-tipon ang mga taga-komunidad sa Brgy. Tibpuan upang sama-samang linisin ang kanilang baybayin at itaas ang kamalayan hinggil sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.

Ang naturang aktibidad ay alinsunod sa programa ng ating Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na “Buhayin ang Pangangalaga ng Kalikasan” upang ganap na itaguyod ang mas magandang kapaligiran para sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *