Force Multipliers, lumahok sa Community Outreach Program sa Candelaria, Zambales
Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Zambales 1st Provincial Mobile Force Company na aktibong nilahukan ng mga miyembro ng force multipliers na ginanap sa Barangay Poblacion, Candelaria, Zambales nito lamang ika-3 ng Oktubre 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Julius Caesar D Noveno, Force Commander ng Zambales 1st Provincial Mobile Force Company at sa partisipasyon ng Poblacion Barangay Council, Barangay Health Worker (BHW), Samahang Kababaihan, at mga miyembro ng 4Ps.
Ang programa ay isinagawa sa pamamagitan ng Feeding Program, Lecture on Lecture on RA 11313 (Safe-Space Act), Anti-Rape Law and RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004) at BIDA (Buhay Ingatan, Droga ay Ayawan).
Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang pakikipagtulungan sa pagitan ng PNP at ng komunidad at titiyakin ng PNP ang kaligtasan ng bawat isa.