KKDAT- Lagayan Chapter, nakiisa sa Distribution of Relief Goods

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo-Tinglayan Chapter sa isinagawang pagbibigay ng relief goods sa Brgy. Bai, Lagayan, Abra, nito lamang ika-2 ng Oktubre, 2024.

Ang aktibidad ay pinasimulan ng Lagayan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Israel Pangwi, Acting Chief of Police, katuwang ang mga opisyales at miyembro ng LGU sa pamumuno ni Hon. Edmarc L Crisologo, Municipal Mayor, mga miyembro ng MDRRMO at MSWDO, mga miyembro ng BFP

Lagayan, mga opisyal ng barangay, at Kabataan Kontra Droga At Terrorismo- Lagayan Chapter. Matagumpay na nabigyan ng suplay tulad ng pagkain, tubig, at damit ang mga pamilya na apektado sa nakalipas na Bagyong Julian.

Ang nasabing aktibidad ay layuning hikayatin ang mga mag-aaral at kabataan na makilahok sa pagprotekta ng buhay at kalusugan at matugunan ang nagliligtas-buhay at agarang pangangailangan ng mga taong naapektuhan ng sakuna o bagyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *