Mobile Blood Donation, isinagawa sa Mati City
Nakiisa ang mga tauhan ng Davao Oriental Police Provincial Office sa isinagawang Mobile Blood Donation nito lamang umaga ng Biyernes, ika-4 ng Oktubre, 2024 sa Purok Happy Valley Gym, Barangay Matiao, Mati City.



Ang naturang aktibidad ay inorganisa ng mga barangay officials ng naturang barangay at Sangguniang Kabataan sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross Davao Oriental Chapter at Department of Health.
Ang pagsisikap na ito ay naglalayong hikayatin ang partisipasyon ng komunidad sa donasyon ng dugo at suportahan ang mga lokal na pangangailangan sa kalusugan.





Ang adhikain na ito ay lubos na sinusuportahan ng kapulisan kung kaya ito ay patuloy pang makikipag-ugnayan sa iba’t-ibang pampublikong opisina upang ipakita ang taos-pusong suporta at pakikiisa.