National Peace Consciousness Month, ipinagdiriwang sa Zamboanga Sibugay
Matagumpay na naisagawa ang National Peace Consciousness Month 2024 na ginanap sa Oval Covered Court, Barangay Libertad, Tungawan, Zamboanga Sibugay noong miyerkules ika-2 ng Oktubre, 2024.
Ang naturang pagtitipon ay ininsyatibo ng LGU ng Zamboanga Sibugay na pinangungunahan ni Hon. Carlnan C Climaco, Mayor ng Tungawan na siya ring nagsilbing tagapagsalita, katuwang ang Salaam Police Center-PCVE, Western Mindanao sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Karib A Muharram at mga tauhan mula sa Tungawan Municipal Police Station na pinamumunuan ni Police Major Christopher A Singson, Acting Chief of Police, kasama rin sa mga dumalo sina Mr. Dats Abdulmuin mula sa MILF, Ustadz Ahjon S. Sahak ng As-Salam-Al-Islamiya Madrasah, at iba pang lokal na lider.
Nagtapos ang aktibidad sa paglagda sa Peace Covenant bilang simbolo ng kanilang pagkakaisa sa layuning makamit ang mapayapa at masaganang Zamboanga Sibugay.