Advocacy Support Group, nakiisa sa “Serbisyong Totoo Caravan” sa Matalam, Cotabato

Matagumpay na isinagawa ang “Serbisyong Totoo Caravan” nga mga ahensya ng gobyerno na ginanap sa Barangay Bato, Matalam, Cotabato nito lamang ika-4 ng Oktubre 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Emelou T. Mendoza, Governor ng Matalam, Cotabato kasama ang LGU, Advocacy Support Groups at Matalam Municipal Police Station.

Aktibo itong dinaluhan ng mga residente lalong lalo na ng mga kabataan dahil nabigyan ng serbisyong pang gobyerno tulad ng food packs, libreng check-up at pamimigay ng gamot.

Ang ganitong uri ng programa ay isang mahalagang pagkakataon upang maipadama sa bawat miyembro ng komunidad ang ating malasakit at pagmamahal.

Sa ating pagsasama-sama, nalilikha natin ang isang mas maayos, mas ligtas, at mas masayang pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *