Barangay-Based Advocacy Groups, nakiisa sa isinagawang Community Outreach Program sa Cauayan City

Nakiisa ang Barangay-Based Advocacy Groups sa isinagawang Community Outreach Program para sa 350 na mag-aaral bilang bahagi ng pagsulong ng EO 70 na ginanap sa Forest Region, Brgy. Sinippil at Brgy. Casalatan, Cauayan City noong ika-4 ng Oktubre, 2024.

Ito ay pinangunahan ng 2nd Isabela Police Mobile Force Company (IPMFC) katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga organisasyon tulad ng Cauayan City Bureau of Fire Protection (BFP), at iFM Cauayan Radio Network sa pangunguna ni Mr. Ajay Panghulan.

Nakatanggap ang humigit-kumulang 350 mag-aaral ng mga school supplies at ito ay malaking tulong sa mga magulang na nahihirapang tustusan ang pangangailangan ng kanilang mga anak.

Bukod dito, namahagi rin ang grupo ng food packs at vegetable seedlings, at nagsagawa ng feeding program, parlor games, at libreng gupit sa tulong ng mga skilled barbers mula sa 2nd IPMFC.

Ang mga serbisyong ito ay hindi lamang pisikal na tulong, kundi simbolo ng malasakit ng pamahalaan at mga katuwang na organisasyon sa pangangailangan ng kabataan sa mga malalayong komunidad.

Ang ganitong uri ng pagtutulungan ay pinapalakas ang ugnayan ng iba’t ibang sektor ng lipunan sa ilalim ng EO 70, na nagbibigay-diin na hindi lamang sandata ang solusyon sa insurgency, kundi ang pagbibigay ng mga serbisyo at pangangailangan sa mga lugar na matagal nang hindi naaabot ng mga pangunahing programa ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *