BPATs, nakiisa sa pagbibigay seguridad sa Skimboarding
Naging matagumpay ang isinagawang pagbabantay at tulong seguridad ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) at ng mga tauhan ng Bacuag Municipal Police Station sa pagdating ng mga kalahok sa Skimboarding Competition mula sa iba’t ibang rehiyon noong Oktubre 4, 2024, sa Bacuag Seaside, Brgy. Poblacion, Bacuag, Surigao del Norte.
Ang mga hakbang sa seguridad ay pinagtibay upang masiguro ang kaligtasan ng mga kalahok at ng mga residente. Sa ganitong paraan, layunin ng BPATs at PNP na magkaroon ng mas epektibo at mas maayos na pag-iwas sa anumang uri ng kriminalidad o kaguluhan habang ginaganap ang naturang palaro.
Nagpapakita ng malasakit sa komunidad at pagtutulungan para sa kapayapaan at seguridad ang aktibong pakikilahok ng BPATs at presensya ng mga pulis.
Ang aktibidad na ito ay patunay na patuloy na magpapatupad ng mga hakbanginat mga kapulisan para matiyak ang seguridad sa mga susunod na araw ng kompetisyon.