KKDAT Camp, nilahukan ng 40 na kabataan sa Roxas Palawan

Produktibo at masayang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Camp na may temang “Empowering Youth for Healthier Futures” ang dinaluhan ng apatnapung (40) miyembro ng KKDAT-Tinitian Chapter sa Barangay Tinitian, Roxas, Palawan na isinagawa nito unang linggo ng Oktubre 2024. Ang aktibidad ay inisiyatiba ng SK-Tinitian na pinangungunahan ni Hon. Yda P. Dadaeg at pinangasiwaan ng mga tauhan ng 2nd Palawan PMFC R-PSB Team katuwang ang 2nd SOU-PNP Maritime Group.

Sa loob ng tatlong araw, nagkaroon ng iba’t ibang pag-aaral hinggil sa Community Anti-Terrorism Awareness, R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), RA 9262 (AVAWC), RA 11313 (Bawal Bastos Law), Basic Life Support (Bandaging) at Water Safety, Search and Rescue (WASAR).

Bilang pagsasanay sa mga paksang tinalakay ay nagkaroon ng dula-dulaang nakasentro sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso sa mga kababaihan, short video clips presentation ukol sa RA 11313, at Water Survival sa dalampasigan.

Nagsagawa rin ng moral recovery program at prayer & candlelight rally bilang pakikiramay sa mga naging biktima ng mapang-abusong teroristang CPP-NPA-NDF na sinundan naman ng indignation rally upang ito’y kondenahin at ideklarang hindi ito tanggap sa kanilang barangay.

Sinukat din ang leadership skills, tiwala, at pagkakaisa ng mga kalahok sa mga isinagawang Team Building Activities.

Sa huli, lubos ang tuwa at pasasalamat ng mga kabataan sa mga kapulisan at mga taong nasa likod ng programa sapagkat nalilinang ang kanilang mga kakayahan at lalo nilang nakikilala ang kanilang mga sarili na siyang tunay na masasabing, Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *