KKDAT, nakiisa sa Pjoject I-Lao Support sa Tacurong City
Dumalo at sumuporta ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Project Initiative to Lead with Affection (I-Lao) ng PNP sa Barangay Griño, Tacurong City nito lamang Biyernes, ika-04 ng Oktubre 2024.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company ang proyekto sa pangunguna ni Police Colonel Bernard Lao, Provincial Director ng Sultan Kudarat Police Provincial Office.
Dumalo din sina Mr. Martin Te, Council member ng Southern Mindanao Filipino Chinese Chamber of Commerce Inc., miyembro ng Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD), HON Estelle Faith Sustiguer, Presidente ng KKDAT, Mr. Jonathan Padrones, Presidente ng Provincial LGBTQ++, mga kabataan at dependents ng mga miyembro ng kapulisan.
Naging matagumpay ang aktibidad sa suporta ni Hon. Bai Rihan Sakaluran Abdurajak, 1st District Congresswoman, Hon. Bai Naila Mamalinta , Alhadja, Vice Mayor ng Columbio, Hon. Datu Zahir Mamalinta, Alhadja, Barangay Chairman ng Datu Blao, Columbio at PNP BATCH 2017-02.
Tampok sa aktibidad ang libreng haircut, mga tsinelas, school supplies at food packs. Nagkaroon din ng Kids party na labis na ikinagagalak ng mga bata.
Layunin ng proyektong ito na mabigyan din ng pinansiyal, edukasyon , social welfare, health and medical care ang mga anak at dependents ng mga miyembro ng kapulisan.