Mga PNP Iskolar mula sa Davao del Sur State College, nakatanggap ng food assistance

Nakatanggap ng food assistance mula sa tauhan ng Digos City Police Station at 1104th Manuever Company ng Regional Mobile Force Battalion 11 ang mga PNP iskolar ng Davao del Sur State College nito lamang Oktubre 6, 2024.

Kabilang sa mga inihandog sa mga ito ay bigas, mga de lata, noodles at kape na personal na iniabot sa mismong dormitoryo ng mga mag-aaral sa Barangay Matti, Digos City.

Ang layunin ng programang ito ay magbigay ng mga pangunahing pangangailangan sa mga tumatanggap ng PNP Scholarship Program, na may temang “Pag-aaral ko, Sagot ni Kuya Pulis.” Ito rin ay isang paraan ng pagsuporta ng buong kapulisan sa kanilang mga akademikong pagsisikap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *