BPATs at Barangay Officials, sumailalim sa Capacity Training sa Tagaytay City

Sumailalim sa Capacity Training ang mga Barangay Tanod at Barangay Officials na ginanap sa covered court of Brgy. Guinahawa South, Tagaytay City nito lamang Sabado, ika-5 ng Oktubre 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Tagaytay Component City Police Station, sa pamumuno ni PLtCol Joven T Bahil, Officer-In-Charge ng Tagaytay City CPS kasama si Hon. Divina Alegre, Chairperson ng naturang barangay.

Tinalakay sa mga kalahok ang mga mahahalagang paksa sa pagpapanatili ng seguridad sa kanilang nasasakupan at tinuruan ng Arresting Techniques at tamang pamamaraan nito.

Ang ganitong uri ng aktibidad ay nagbibigay ng karagdagang kaalaman lalo na sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin, katuwang ng iba pang ahensya ng gobyerno sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *