Lecture sa pagpapaigting ng kamalayan sa Krimen, Terorismo, at droga, idinaos
Isang makabuluhang lektura ang isinagawa sa mga residente ng Barangay Muñoz, Siayan, Zamboanga del Norte noong Sabado ika-5 ng Oktubre, 2024.
Ang aktibidad ay ininsyatibo ng Siayan Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Naming B Alip, Chief of Police, katuwang ang mga tauhan ng Barangay Muñoz.
Tinalakay sa nasabing aktibidad ang iba’t ibang mahahalagang paksa tulad ng Crime Prevention Awareness, Balik Eskwela, Buhay Ingatan Droga’y Ayawan (BIDA) Program, Community Anti-Terrorism Awareness (CATA), at Knowing the Enemy (KTE). Kasama rin sa mga tinalakay ang Executive Order No. 70 (EO 70) na may kaugnayan sa End Local Communist Armed Conflict (ELCAC), National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF DPAGs), at kampanya laban sa ilegal na droga.
Layunin ng aktibidad na bigyan ng sapat na kaalaman ang komunidad upang masiguro ang kaligtasan at maiwasan ang iba’t ibang krimen, terorismo, at ilegal na droga.