National Family Violence Prevention Program Orientation, isinagawa ng MSWD

Nagsagawa ang Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office ng Orientation on National Family Violence Prevention Program sa pakikipagtulungan ng mga personahe ng Cataingan MPS na ginanap sa Copa Cabano hall, Curvada, Cataingan Masbate nito lamang ika-3 ng Oktubre 2024.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga opisyales ng Barangay Violence Against Women Desk at 4P’s Parent Leaders.

Tinalakay ng tagapagsalita mula sa Cataingan MPS ang iba’t-ibang uri ng pang-aabuso na maaring maganap sa loob ng tahanan, mga sanhi at stratehiya para maiwasan ang mga ito, Child Sexual Abuse Prevention Tips, Salient Provisions of Anti-Rape Law (RA 8353) at Juvenile Justice Welfare Act (RA 9344), Buhay Ingatan Drogay Ayawan (BIDA) Program at Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).

Layunin ng aktibidad na ito ay tiyakin ang sapat na proteksyon para sa bawat miyembro ng pamilya laban sa anumang uri ng karahasan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kinakailangang kaalaman para sa kanilang kaligtasan at kapakanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *