BPATS nakilahok sa pagsasanay at talakayan ng Pulilan PNP Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peace Keeping Action Team sa isinagawang pagsasanay at talakayan ng Pulilan Municipal Police Station sa Brgy. Dampol 2nd B, Pulilan, Bulacan nito lamang Biyernes, ika-4 ng Setyembre 2024.

Pinangunahan ito ni police Lieutenant Colonel Jerome Jay Ragonton, Chief of Police, Pulilan Municipal Police Station, katuwang ang mga opisyales ng nasabing barangay. Nagbigay ng kaalaman ang pulisya tungkol sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 (BIDA Program), RA 9262 Anti-Violence Against Women and their Children, RA 8353 o Anti-Rape Law, E.O 70 NTF ELCAC, Law Enforcement Procedures, Handcuffing and Arresting Techniques, First responders role at BPAT’s duties and function.

Layunin ng aktibidad na sanayin at palakasin ang kapasidad ng mga miyembro upang mapahusay ang kanilang kakayahan sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa kanilang nasasakupan.

Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa paghahatid ng serbisyo kontra kriminalidad upang magkaroon ng maayos at maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *