BPATs ng Sta. Maria Ilocos Sur, sumailalim sa Training

Sumailaim sa pagsasanay ang mga miyembro ng BPATs sa Barangay Suso, Sta. Maria, Ilocos Sur nito lamang Oktubre 8, 2024.

Ang naturang aktibidad inisyatiba ng Sta. Maria Municipal Police Station sa pangunguna ng hepe nito na si Police Major Macario G Dulawan, Jr.

Nagsimula ang aktibidad sa talakayan hinggil sa Crime Prevention, Basic in Arresting Technique, First Aid, Technique, at Basic Life Support at sinundan ito ng aktwal na pagsasanay sa mga miyembro ng BPATs ng nasabing barangay.

Ito ay makakatulong sa ating mga BPATs bilang katuwang ng mga ahensya ng gobyerno sa pagpapanatili ng kaayusan at pagbibigay seguridad sa miyembro ng ating komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *