Kabalikat Civicom, nagsagawa ng Feeding Program sa Aparri Cagayan

Pinilahan at dinumog ng mga residente ang isinagawang feeding program ng Kabalikat Civicom sa Brgy. Punta, Aparri, Cagayan noong Oktubre 6, 2024. Naging katuwang ng grupo ang mga miyembro ng iba pang Advocacy Support Groups at mga tauhan ng Aparri Police Station.

Laking tuwa at pasasalamat ng mga residente sa natanggap nilang mainit na arrozcaldo, tinapay at juice na hatid ng grupo.

Layunin nito na maghatid ng mga pangunahing serbisyo sa mga residente lalo na sa kanilang kapakanan at seguridad, gayundin upang ipadama sa kanila na ang iba’t ibang sektor ng pamahalaan ay laging handang tumulong sa lahat ng oras.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *