Mental Health Awareness and Resistance Education Against Drugs Symposium, isinagawa sa Ormoc City

Dumalo ang mga miyembro Kabataan Kontra Droga at Terorismo Ormoc City Chapter sa isinagawang Symposium sa Mental Health Awareness and Resistance Education Against Drugs sa Brgy. Campdownes, Ormoc City nito lamang Oktubre 8, 2024.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Ormoc City Police Office at dinaluhan ng 4th year criminology students ng St. Niño College. Itinuro sa mga nakiisa sa aktibidad ang kahalagahan at mga bagay na nakakaapekto sa mental na kalusugan ng mga tao.

Kasama sa tinalakay ang mga hakbang o gawain para mapanatili ang maayos na kalagayan nito. Layunin ng aktibidad na magbigay ng sapat na kaalaman sa mga kabataan ukol sa kanilang mental na kalusugan at matuto sa tamang pagtulong sa kapwa pagdating sa mental na pangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *