Youth Development Session, isinagawa sa Mogpog Marinduque

Matagumpay na naisakatuparan ang Youth Development Session na ginanap sa Brgy. Bintakay, Mogpog, Marinduque nito lamang Oktubre 6, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Pastor Bernand Lacerna ng Jesus the Lord of Lords Victorious Church International.

Inimbitahan din ang mga kapulisan ng Mogpog MPS upang maging tagapagsalita sa paksa ukol sa Anti-Illegal Drugs Campaign at Anti-Terrorism.

Ang aktibidad na ito na naglalayong paunlarin ang kakayahan at kasanayan ng mga kabataan, itaguyod ang kanilang aktibong partisipasyon sa komunidad, at tulungan silang makilala ang kanilang mga potensyal.

Gayundin ang mailayo sila sa masamang epekto ng iligal na droga at maiwasan ang pagsali sa anumang organisasyon ng mga makakaliwang grupo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *