Barangay Assembly Day, isinagawa sa Taft, Eastern Samar
Matagumpay na isinagawa ang Barangay Assembly Day na ginanap sa Brgy. Polangi, Taft, Eastern Samar nito lamang Linggo ika-13 ng Oktubre 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Santifa Acayen Buraga, Punong Barangay kasama ang mga tauhan ng Taft Municipal Police Station, Barangay Tanods, Barangay Health Workers at mga residente ng nasabing barangay.
Ang pagtitipon ay nagsilbing daan upang bigyang-diin sa pamamagitan ng komprehensibong talakayan ang mga responsibilidad at mga tungkulin ng bawat miyembro ng lipunan.
Pinag-usapan din sa aktibidad ang mga pangunahing problema ng naturang barangay at mga solusyon nito.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayon na mapalakas ang ugnayan ng pulisya at komunidad tungo sa pagkamit ng Bagong Pilipinas.