BPATs, nakiisa sa Barangay Assembly Meeting
Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peace Keeping and Action Team sa Barangay Assembly Meeting na may temang “Talakayan sa Barangay: Aktibong Diskusyon ng Pamayanan tungo sa Masigla at Maunlad na Bagong Pilipinas” na ginanap sa Barangay Hall, Liwan Norte, Enrile, Cagayan noong ika-12 ng Oktubre 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Peter T Bometivo, hepe ng Enrile Police Station, katuwang si Municipal Mayor Miguel B. Decena Jr, Vice Mayor Christina Magbitang, , miyembro ng Sanguniang Bayan ng Enrile at mga miyembro ng BPATs.
Tinalakay sa nasabing pagtitipon ang National Police Clearance System, Community Anti-Terrorism Awareness, Ilegal Gambling, Akyat Bahay, Anti-Illegal Drugs at Anti-Rape Law na naglalayong tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng komunidad sa pamamagitan ng karagdagang kaalaman upang maiwasan ang panganib na dulot ng mga ito.
Ang Advocacy Support Group katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno ay patuloy na maghahatid ng serbisyong nagkakaisa tungo sa payapa at maunlad na lipunan para sa Bagong Pilipinas.