Stakeholders Solidarity Meeting para sa Kapayapaan at Kaayusan, isinagawa sa Albay
Naisakatuparan ang Stakeholders Solidarity Meeting para sa Kapayapaan at Kaayusan na dinaluhan ng iba’t ibang stakeholder, mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya at Camalig Municipal Police Station na ginanap sa Camalig National High School, Camalig, Albay.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga pangunahing isyu at hamon na kinakaharap ng komunidad, pati na rin ang mga estratehiya at programa na maaaring maisagawa upang matugunan ang mga ito.
Napagkasunduan ng mga kalahok na mahalaga ang patuloy na pakikipag-ugnayan at pagtutulungan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bayan.
Ang pagpupulong ay naglalayong palakasin ang pakikipagtulungan at pagkakaisa sa pagitan ng mga stakeholder para sa kapayapaan at kaayusan sa bayan.
Ito din ay nagpapakita ng malakas na pagkakaisa at determinasyon ng mga stakeholder na magtulungan para sa ikabubuti ng komunidad.
Pinatunayan nito na ang pakikipagtulungan at pagkakaisa ay susi sa pagkamit ng kapayapaan at kaayusan sa nasabing bayan.