BPATs, nakiisa sa Educational Lecture sa Solana, Cagayan

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peace Keeping and Action Team (BPATs) sa isinagawang Educational Lecture sa Barangay Centro Northeast, Solana, Cagayan nito lamang ika-14 ng Oktubre 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Master Sergeant Marilyn Z Castillo, Assistant MCAD PNCO, katuwang ang mga kapulisan ng Solana Police Station, sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Stanley G Banan, Chief of Police ng Solana Police Station.

Tinalakay sa aktibidad ang kahalagahan ng mga Barangay Peace Keeping Action Team bilang mga first responders upang maghatid ng paunang lunas at tumugon sa emerhensiya.

Ang Aktibidad ay naglalayong mabigyan ng dagdag na kaalaman ang mga lokal na opisyal sa pagbibigay ng pangunahing serbisyo na nagkakaisa tungo sa mapayapa at maunlad na lipinan para sa Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *